By : Roel Tarayao
TINGNAN: Pormal na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang Team ng "ANAK NG GAPO" para sa kanilang kanilang kandidatura sa darating na May 2025 Midterm Election sa Comelec Olongapo City na ginaganap sa SMX Convention Center SM City Olongapo Central.
Pinangunahan ng negosyanteentertainment producer at talent manager na si Dr.Arnold Vegafria ang pagsusumite kanyang COC sa kanyang pagtakbo bilang Alkalde ng Olongapo City.
Si Vegafria na tinaguriang " Manager ng Bayan" na tatakbong Alkalde ay susubok muli sa ikalawang pagkakataon.
Sa kanilang slogan na "Anak ng Gapo" na may temang "Bangon Olongapo, Bagong Olongapo", katuwang ni Vegafria sa kanyang pagtakbo ang kanyang mga kakandidatong Konsehal na naghain din ng kanilang COC na sina: Lan Vegafria-Bautista, Macky Alonzo, Pocholo Galian, Erick "DJ Elmo" Ison, Derick Manuel, Jan Abarro, Bong Tocayon, Oliver Guerrero, Tina de Leon, Jerome Ducos at Earl Escusa.| via Roel Tarayao
0 Comments