By : Roel Tarayao
TINGNAN: Sabay-sabay na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang line-up ng mga kandidato ng 1Dinalupihan, 1Bataan sa tanggapan ng Comelec sa Bayan ng Dinalupihan, Bataan.
Pinangunahan nina Incumbent Mayor German "Tong" Santos at Vice Mayor Fernando Manalili na tumatakbo sa kanilang ikalawang termino kasama ang kanilang mga konsehal na sina; Kabayan Noli Soriano, Hon.Gary David, Hon.Pamela Muli-Sandoval, Hon.Melvin Tongol, Hon.Elizalde Torno, Hon.Sherry De Ausen, Hon.Rolly Buniag at Hon.Ariel Agustin Cruz.
Personal na pinuntahan at sinuportahan ang bando ng 1 Dinalupihan nina 3rd District Congresswoman Gila Garcia, Governor Joet Garcia, Congressman Jett Nisay at Vice Governor Cris Garcia.
Sinamahan din sila ng kani-kanilang mga pamilya at supporters sa pagsusumite ng kanilang COC.
Pinasalamatan din nila ang kanilang mga kababayang Dinalupiheño na patuloy na sumusuporta sa kanilang adbokasiya para maipagpatuloy ang "Serbisyong May Ngiti at Yehey Dinalupihan". | via Roel Tarayao
0 Comments