PAGKAKALAGDA SA ANTI-AGRICULTURAL SABOTAGE ACT, IKINATUWA NG LIDERATO NG KAMARA. By; Felix Tambongc

PAGKAKALAGDA SA ANTI-AGRICULTURAL SABOTAGE ACT, IKINATUWA NG LIDERATO NG KAMARA.                                                                                                         By; Felix Tambongc


IKINAGALAK ng liderato ng ang pagkalagda ni President Ferdinand Marcos Jr sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act o ang RA 12002.
 
Ayon Kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez makabuluhan at matagal ng hinihintay ang naturang aksyon upang maprotektahan ang agricultural sector mula sa harmful practices ng mga smuggler, hoarder, profiteer, at cartel. 

Ito umano ay critical turning point upang laban at idepensa ang kabuhayan ng magsasaka at mangingisdang pilipino upangakamit ang abot kayang pagkain para sa lahat.

Isang malinaw na mensahe rin umano ang bagong batas na ito na hindi kukunsintihin ang mga magmanipula ng pamilihan at mangangahas sa dating ng suplay ng pagkain.

Ang RA 12002 ay nagpapalawak ng saklaw sa Republic Act No. 10845, or the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, hindi lamang kontra smuggling kundi kasama na ang hoarding, profiteering, at cartelizing, na ngayon ay maituturing na bilang  economic sabotage.

Sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act papatawan ng mas mahigpit na parusa ang mga lalabag, lalo na ang mga mag iismagel ng agricultural products na nagkakahalaga P10 million, maghohoard ng mahigit 30 percent ng inventory sa panahon ng emergencies o calamities, o pagkakasangkot sa  profiteering at cartel activities na artipisyal na magpapalobo ng presyo.

Magatatayo rin ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council, Department of Agriculture,  Department of Justice, Department of Finance, at Anti-Money Laundering Council, Isang  multi-agency body na naatasan na mangangasiwa sa pagpapatupad ng batas.

Magbubuo rin ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group na binuuo ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard na siyang magiging responsible sa pagsasagawa ng inspeksyon at magpapatupad ng penalties.

Post a Comment

0 Comments