PCOO BUDGET, OK'S NA SA KOMITE. By : Felix Tambongco

PCOO BUDGET, OK'S NA SA KOMITE.  By : Felix Tambongco

TINAPOS na ng House Committee on Appropriations, chaired by Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pagtalakay sa P713.3- Million 2025 budget ng  Presidential Communications Office (PCO), kabilang ang mga attached agencies at Corporation.

Sa naturang pagdinig, tinuran ng bagingvtalagang kalihim Cesar Chavez na ang nasabing pondo ay gagamitin ay gagamitin sa pag communicate sa public Bagong Pilipinas-related activities, media coverage ng presidential engagements at communication campaigns para sa executive branch. 

Iminungkahi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang People's Television Network or PTV 4 ay gawing public broadcast station upangalabanan ang fake news at maglikha ng quality information.

Ayon Kay PTV-4 Acting General Manager Antonio Nebrida Jr. Bilang isang GOCC, ang network nakakalikha ng sariling revenue, at ang Department of Budget and Management (DBM) sy partial lang ang suporta sa kanila

Inamin din nito na maraming Hamon para kumita ang istasyon kaya nga at nagsumite sila ng request para sa supplemental budget.

Binigyang diin ni Chavez upang maging commercially viable ang PTV 4 dapat ay mahshift mula sa lumang  state media mindset tungo sa pagiging competitive, digital multimedia platform. 

Sinuportahan naman ng mga kongresista ang panukala na humihiling na dagdagan ang 2025 budget para sa government's lead communication arm.

Post a Comment

0 Comments