785 MGA MAGULANG NG SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS, 7 ANG TUMANGGAP NG TIG 3 LIBONG PISO SA ILALIM NG TULONG ESKWELA PROGRAM NG PAMAHALAAN. By : Felix Tambongco


785 MGA MAGULANG NG SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS, 7 ANG TUMANGGAP NG TIG 3 LIBONG PISO SA ILALIM NG TULONG ESKWELA PROGRAM NG PAMAHALAAN. By : Felix Tambongco 

UMAABOT sa may 785 mga magulang ng Senior High school Students sa 7 sa ang tumanggap ng tig 3 Libong piso sa ilalim ng Tulong Eskwela Program ng pamahalaan.
Ang pamamahagi ng Tulong Eskwela Program sa Ikalawang Distrito ng Rizal sa Pangunahan ni Rizal 2nd District Representative Emigdio Tanjuatco III na ginanap sa Baras Rizal.

Bahagi ito ng revolutionary and transformative new social amelioration program ni pangulong Ferdinand marcos jr, at Speaker Martin Romualdez na naglalayong matulungan ang mga senior high school student na makatapos ng kanilang pag-aaral.
Tinatayang nasa 1.32 million mga magulang mula sa 220 probinsya ang makakatanggap sa 2 araw na paglulunsad ng programa.

May kabuuang P5.28B na cash aid ang inilaan na 2 araw na pamamahagi sabilalim ng Tulong Eskwela Program sa buong bansa.
Ayon Kay Romualdez, “Ang Tulong Eskwela ay ang tugon sa hamon ng ating mahal na Pangulo sa kanyang huling SONA. At ang senior high education system ay malaking bahagi ng repormang ating ipinapatupad sa sektor ng edukasyon,

“Kadalasan umano ay kinakapos ang mga magulang sa pagtustos sa pagtatapos ng kanilang mga anak sa senior high school. At kapag hindi nagtapos, mahirap makakuha ng trabaho at mahirap magkaroon ng kontribusyon sa ating mga komunidad,” the leader of the 300-plus-strong House of Representatives.
“Simula pa lamang umano ito ng isang programang balak nating gawing pangmatagalan ng pamahalaan.

Post a Comment

0 Comments