SPCTCAO NANUMPA SA NHCP-LHCN BILANG BAGONG KASAPI PARA MAGING KATUWANG SA PAGPROTEKTA AT PAGPAPAYABONG NG MGA KASAYSAYAN-By : SPCTCAO
LAGUNA-Nanumpa ang Tanggapan ng San Pedro City Tourism Culture and Arts Office bilang isa sa mga bagong Kasapi ng National Historical Commission of the Philippines - Local Historical Committees Network.
Pinangunahan ang nasabing panunumpa ng Tagapangulo ng NHCP na si Propesor Regalado Trota Jose, at sinaksihan ng iba pang mga LHCN Affiliates.
Tumayong kinatawan ng SPCTCAO ang nasabing panunumpa ng isa sa mga kawani na si G. Mike Tabuyan.
Kabilang rin sa mga bagong kasapi ng LHCN ang Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office (BCHATO), Nagcarlan Cultural Heritage and Historical Society, Dr. Pio Valenzuela Historical Society, Marikina Polytechnic College - Center for Marikina Valley Studies, Western Mindanao State University - Centro Estudio de Mindanao, El Museo de Zamboanga, Makati Museum and Cultural Affairs Office, High School Philippine History Movement, at Pangkasaysayang Samahan ng Adamson University.
Bilang kasapi ng LHCN, inaasahan na magiging katuwang ng NHCP ang tanggapan sa pagpapayabong, pagpapalaganap, at pagprotekta sa kasaysayang local na pamahalaan ng San Pedro CIty.
0 Comments