MARIKINA MAYOR MARCY TRODORO NANINIWALA NA MADIDISMISS ANG KASO LABAN SA KANYA. By : Felix Tambongco
NANINIWALA si Marikina Mayor Marcy Teodoro na madifismiss ang kasong inihain sa kanya sa tanggapan ng Ombudsman.
Ayon Kay Teodoro, dapat ay magkaroon ng Fair investigation sa isyu para naman ma-clear ang kanyang pangalan
Sinabi pa ng alkalde na Kwestyunable para kanya yung timing ng pagpafile ng kaso laban sa kanya lalo na at isang buwan nalang filing na ng certificate of candidacy.
Pangalawa, yung nag-file kilala namin na lumalahok din sa pulitika kaya nagiging kwestyunable yung motive.
Ipinagtataka rin ni Teodoro dahil walang personal knowledge ang complainant at ang alegasyon sa reklamo ay kailangan pang I verify.
Kaya ngat umaasa ito na sa preliminary investigation makikita na talaga namang walang basehan at walang merit yung allegation.
Una ng ipinagharap si Teodoro ng kasong technical malversation sa Ombudsman na ayon sa alkalde wala namang realignment kundi appropriation sa pamamagitan ng ordinansa.
Ipinagtataka rin ng opisyal kung bakit ang mga sinampahan ng kaso kasama nya ay ang ilang opisyal ng City Government na wala namang kinalaman sa isyu.
0 Comments