MAG-JOWA, TIMBOG SA 500 GRAMO NG DROGA SA TAYTAY -PDEG! By : Edwin Moreno


MAG-JOWA, TIMBOG SA 500 GRAMO NG DROGA SA TAYTAY -PDEG! By : Edwin Moreno 


HULI sa anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng PNP-Special Operation Unit- National Capital Region (SOU-NCR) ang 2 indibidwal sa Block-29, Brgy. Sta. Ana Taytay Rizal.

Sa ulat ni PDEG -director BGen. Eleazar Matta, dakong 5:36 ng hapon ng bentahan ng mga suspek ng droga ang isa sa operatiba sa isinagawang buybust operation na nagresulta sa pagkakahuli ng mga ito.
Nasamsam sa 32-anyos at 36-anyos na babaeng taga Maguindanao ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.00 at iba pang shabu paraphernalia.

Dinala na ang 2 naaresto sa PNP-Drug Enforcement Group -Special Operation Unit-NCR Camp Bagong Diwa Taguig para sa dokumentasyon.
Habang ang mga ebidensyang droga at paraphernalia ay dinala naman sa PNP -Camp Crame para sa laboratory examination.

Post a Comment

0 Comments