MEKENI, MULING NAGHATID NG MALASAKIT SA PAMPANGA SA TAUNANG GIFT-GIVING PROGRAM By : Rommel Madrigal

MEKENI, MULING NAGHATID NG MALASAKIT SA PAMPANGA SA TAUNANG GIFT-GIVING PROGRAM

Muling ipinamalas ng Mekeni Food Corporation ang kanilang malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng taunang gift-giving program na isinagawa nitong Oktubre 24, 2025, na nag-abot ng tulong sa iba’t ibang underserved communities sa Pampanga. Patuloy na pinanghahawakan ng kumpanya ang matagal nang pagpapahalaga nito sa malasakit at pagbabahagi ng kabutihan sa kapwa.

Ngayong taon, bumisita ang Mekeni volunteers sa apat na partner institutions: ang Munting Tahanan ng Nazareth sa Mabalacat City, at ang Bahay Pag-ibig at Children’s Home of Eucharistic Love and Kindness sa Lungsod ng San Fernando. Naghatid ang mga empleyado ng essential goods tulad ng food products at toiletries para sa mga bata, senior citizens, at persons with disabilities—hindi lamang para magbigay ng supplies, kundi upang maghatid din ng pag-asa at personal na pagpapasigla.

Ayon kay Mr. Prudencio S. Garcia, President ng Mekeni, “Ang programang ito ay paalala na ang tunay na malasakit ay nagiging makabuluhan kapag bahagi na ng ating pagkatao. Taon-taon ay sama-sama ang aming mga empleyado hindi lang para magbigay, kundi para makinig, kumonekta, at ipadamang maaasahan kami ng komunidad.”

Sa loob ng maraming taon, naging mahalagang tradisyon na sa kumpanya ang programang ito, pinalalakas ng walang sawang suporta ng mga empleyadong nagdo-donate at nagbibigay ng kanilang oras para mag-volunteer.

Binigyang-diin naman ni Ms. Marilou Uy, Assistant Vice President for HR and Exports, na ang mga empleyado ang tunay na puso ng outreach program. “Ang kanilang generosity at volunteerism ang pinakamalinaw na larawan ng unity at serbisyong pinangangalagaan ng Mekeni.”

Dagdag pa ni Ms. Apple Garcia, HR Head, “Maaaring simple lang ang aming naibibigay, pero ang ngiti, saya, at pag-asang naihahatid namin sa mga komunidad ay mas malaki pa sa anumang materyal na tulong.”

Sa mahigit tatlong dekada, nananatiling tapat ang Mekeni sa pag-aangat ng mga komunidad at pagtataguyod ng kultura ng malasakit. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, pinatutunayan ng kumpanya na ang tunay na tagumpay ay nasusukat sa positibong epekto na naiiwan nito sa mga tao.

Post a Comment

0 Comments