By : Rommel Madrigal
Hindi na nakapalag pa ang isang wanted na halos anim na taon ng natago para takasan ang kanyang ginawang kasalanan ang nahulog sa mga kamay ng warrant officer ng San Pedro City na pinamunuan ni PEMS Omar Balmas.
Kinilala ni San Pedro City Chief Of Police Pltcol Jaime S Pederio Jr ang akusado na si alyas Ruben, 32 taong gulang, residente ng Brgy. Tunasan, Muntinlupa City, na may address din sa Brgy. Chrysanthemum Village, San Pedro City.
Batay sa ulat dakong ika tatlo ng hapon ng maaresto ng Warrant Operatives/Trackers Team ng San Pedro Component City Police ang akusado sa Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod, silay nagsagawa ng manhunt operations laban sa wanted na nagresulta sa pag-aresto sa akusado.
Inaresto si alyas Ruben sa bisa ng Alyas Warrant of Arrest sa kasong murder na lumabas noon pang December 11, 2018, na in-issue ni Hon. Francisco Dizon Pano, Presiding Judge, RTC Branch 93, San Pedro City, Laguna na walang inirekomendang Piyansa.
Ang naarestong Wanted Person ay pansamantalang ikukulong sa San Pedro CCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng Commitment Order.
0 Comments