DIALYSIS CENTER SUPORTADO NI SEN. BONG GO NA MAPONDOHAN


MATAAS NA KAHOY, BATANGAS -- Muling pag binisita ni Senador Christopher Lawrence " Bong Go " sakanyang mga kapwa-Batangueño ay
Sinaksihan niya ang groundbreaking ceremony na itatayong Dialysis Center sa bayan ng Mataas na Kahoy.

Ang proyektong ito ay suportado ni Senator Bong Go bilang Chair ng Senate Committee on Health at Vice Chair ng Senate Committee on Finance. 

Para kay Sen. Bong Go, ang kanyang inisyatibong ito ay magpapalakas sa ating healthcare system at malaking tulong para sa mga kababayan niyang Batangueño. 

Pinasalamatan din ng senador ang local officials na dumalo at sumuporta rin sa pagtitipon na sina Congresswoman Maitet Collantes, Mayor Janet Magpantay Ilagan at Vice Mayor Jay Manalo Ilagan. 

Samantalang si Sen. Bong Go ang principal sponsor at isa sa may akda sa Senado ng Republic Act No. 11959, o ang “Regional Specialty Centers Act,” na nagtatakda ng pagtatayo ng mga specialty centers sa mga ospital ng DOH para hindi na lumuwas pa sa Metro Manila ang mga may sakit sa puso, kidney at baga ang mga pasyenteng nasa probinsiya.

Ayon kay Senator Bong Go, "Kailangan nating magtulungan upang mapalakas ang ating kakayahan sa pagbibigay ng espesyalisadong pangangalaga sa bawat Pilipinong nangangailangan nito nasaan man sila sa bansa.”( JEREMIAH MADRIGAL )

Post a Comment

0 Comments