MAHIGIT 50 NA MGA BAGONG MIYEMBRO NG NUP, MANUNUPA SA BULACAN NA PINANGUNAHAN NI GOBERNADOR FERNANDO. By : Jimmy Mahusay

 MAHIGIT 50 NA MGA BAGONG MIYEMBRO NG NUP, MANUNUPA SA BULACAN NA PINANGUNAHAN NI GOBERNADOR FERNANDO.                                                                                 By : Jimmy Mahusay

DAHIL sa mabuting pamamahala abot-tanaw na sa Lalawigan ang pagkakaisa at mabuting pamumuno dahil manunumpa na ang ikalawang  pangkat ng mga bagong miyembro ng National Unity Party (NUP) na pangungunahan ni Gob. Daniel R. Fernando, na siya ring Provincial Chairperson at Vice President para sa Social Development, na ginanap sa Cristina Hall, One Grand Pavilion Events Place & Villa Blas Ople Diversion Road  Setyembre 27, 2024.

Ang mahigit 50 na mga bagong miyembro na kumakatawan sa iba't ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan ay inaasahang magdadala ng kanilang natatanging kahusayan at hindi matatawarang dedikasyon na kanilang magiging ambag sa paglago ng lalawigan.

Binigyang diin ni Fernando na ang pagtitipon na ito ay hindi lamang tanda ng isang mahalagang kaganapan para sa NUP, kung hindi itinatampok din ang pagkakaisa sa larangan ng pulitika na mahalaga para sa pagpapanatili ng pag-unlad ng lalawigan.

Matatandaan kamakailan lamang may nauna ng nanumpa na may kabuuang 106 na bagong miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa Lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang Provincial Chairperson at Vice President for Social Development ng NUP sa isang programa na ginanap sa EDSA Shangri-La sa Lungsod ng Mandaluyong.

Matapos ang panunumpa, pinangunahan naman ni Provincial Legal Officer Atty. Gerard Nelson C. Manalo ang open forum bilang pagtugon sa mga legal na usapin tungkol sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA).

Dumalo rin sa panunumpa sina Bise Gob. Alexis C. Castro at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan. (JIMMY MAHUSAY)
                                

Post a Comment

0 Comments