PAGLILINIS SA NATENGGANG SUPER HEALTH CENTER SA MARIKINA INUMPISAHAN NA!, KONSTRUKSYON UUMPISAHAN NA SA OCTOBER 20, 2025. By : Felix Tambongco

PAGLILINIS SA NATENGGANG SUPER HEALTH CENTER SA MARIKINA INUMPISAHAN NA!, KONSTRUKSYON UUMPISAHAN NA SA OCTOBER 20, 2025.
By : Felix Tambongco
INUMPISAHAN na ng Marikina City Government ang konstruksyon ng Super Health Center sa Concepcion Dos sa nasabing Lungsod.

Una ng inatasan ni Marikina Mayor Maan Teodoro si Arch. Raymond Aquino ng City Architectural Office na mag mobilize ng mga personnel mula sa City Engineering Department para magsagawa ng paglilinis sa site ng Super Health Center Concepcion Dos at uumpisahan na ang construction ng  phase 2 ng proyekto sa Lunes October 20, 225.
Naideploy na rin ang mga Heavy construction equipment tulad ng backhoe at 3 dump trucks sa lugar para sa 2 araw na clearing operation para malinis ng mga damo at mga debris, at ayusin ang board-ups sa lugar. 

Makikita na talagang 100 percent complete na ang Phase 1, makikita na ang malaking concrete slab.
Sa Lunes, uumpisahan na ng city government ang konstruksyon sa four-storey, multi-specialty building na magbibigay ng basic medical services, na may Autism Center para sa mga bata at mga may special needs. 

Una ng nagkaroon ng palitan ng pahayag ang City Government at si  DOH Secretary Ted Herbosa hinggil sa isyu ng pagkakatengga ng konstruksyon ng nasabing pasilidad.

Giit ng City Government, ilang ulit silang nagpasok ng proposal para sa karagdagang budget subalit dedma lamang umano ito sa DOH bagay na kinontra naman ni Herbosa, kaya ngat sinabi ni Mayor Maan Teodoro na ang City Government na lamang ang magpopomdo sa proyekto.

Sa isinagawang uncoordinated inspection ng DOH noong October 15, ito ang ang tumambad sa kanila, bunga umano ito ng kawalan ng kaseryosohan ng DOH na pondohan ang proyekto.

Kahapon, si Sec Herbosa ay humarap sa Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Post a Comment

0 Comments