By : Felix Tambongco
MULING pinagtibay ng lokal na pamahalaan ng Angono Rizal ang komitment na protektahan ang kapakanan ng uring manggagawa.
Ang pahayag ay kasunod ng panawagan sa lokal na pamahalaan ng mga manggagawa ng overlooking cafés sa Hillsdale Summit Subdivision sa Barangay San Isidro.
Una ng nag viral ang video noong nakaraang Lunes October 13, na nagpapakita ng komosyon sa pagitan ng mga tenant at business owners, at security guards ng Park Developers Inc. na kinalatawan ng Isang Reynaldo Jesus Pasco Sr., ng naturang subdibisyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Angono Rizal, ang insidente ay purely a police matter, subalit gumagawa na ng kaukulang hakbang ang municipal government sa posibleng epekto ng pag-aaway na kinakasangkutan ng private property dispute at mga manggagawa.
Ang alitan ay nag - ugat ng matapos harangin ng mga guwardiya ang mga tenant at business owners na pumasok sa gate ng subdibisyon, wala namang nasaktan sa pangyayri ayon sa PNP.
Isang sheriff ang dumating upang ipatupad ang enforce a writ of execution ng court order na ejectment, injunction, at damages laban sa mga tenant at business owners na nakaoupa sa pinag - aawayang lupa.
Nag - isyu ang korte ng bakantehin at tanggalin ang lahat ng iligal na istruktura bahagi ng N. Bernardo Street at sa kalsada sa tapat ng Lot 1 sa Hillsdale Summit Subdivision. Pinagbawalan din ang paggamit sa road network patungo sa cafés at food stalls.
Una ng sinabi ng mga manggagawa na hinarass sila ng Isang grupo ng hindi kilalang kalalakihan na umanoy binayaran ng taong nagpapakilalang may - ari ng lupa.
Kailangang kailangan din umano nila nang tulong ng mula sa lokal na pamahalaan at lokal na pulisya, nananawagan din ang mga ito sa mga kagawad ng Media, sa gobernador ng Rizal at sa Department of the Interior and Local Government.
Ayon naman kay Jane, administrative officer ng restaurant, sinabi nito na mayroon silang kinakailangang dokumento at nagbayad sila ng tamang buwis sa lokal na pamahalaan.
Idinagdag pa nito na susunod sila sa korte at wala namang problema sa kanila kung mapapatunayan na sila ang legal na may-ari, subalit hindi umano maituturing na legal kung may karahasan at harassment. Nakikipaglaban lamang umano sila para buksan ang kalsada fahil mayroon silang mga kustomer na pumapasok.
Samantala, sa pahayag ni Angono Rizal Mayor Jerry Calderon, pinayuhan nito ang mganegosyante sa lugar na humanap na lamang ng ibang mapaglilipatan ng kanilang negosyo fahil on and off ang problem at ang nakataya ay ang prace and order sa lugar.
Tumitingin na rin ang lokal na pamahalaan ng iba pang lugar na maipagpatuloy nila ang kanilang mga negosyo ng walang panganib na maharass muli ng may -ari ng subdibisyon.
0 Comments