MPT SOUTH, KINILALA BILANG MAHALAGANG KAAGAPAY SA TURISMO NG CAVITE. By : Rommel Madrigal

Kinilala ang Metro Pacific Tollways South (MPT South) bilang isa sa mga pangunahing katuwang sa turismo ng Cavite sa ginanap na Cavite Tourism Excellence Awards 2025 noong September 30 sa Cavite Provincial Capitol, Trece Martires City.

Ang naturang parangal ay ibinibigay sa mga indibidwal at organisasyong may malaking ambag sa pagpapaunlad ng turismo at sa patuloy na promosyon ng Cavite bilang isang destinasyong mayaman sa kultura at kasaysayan.
Tumanggap ng Plaque of Appreciation ang MPT South mula sa Cavite Tourism Office — ang ikalawang taon na nitong pagkilala — bilang patunay ng matibay na ugnayan at suporta sa mga programa ng turismo sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng kanilang Biyaheng South advocacy program, nakipagtulungan ang MPT South sa Department of Tourism (DOT) Region IV-A at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A para sa iba’t ibang inisyatiba gaya ng Cavite Tourism Passport, Tara! Let’s Explore Cavite, at Biyaheng South Summer Tour.
Ayon kay Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South, ang parangal ay inspirasyon upang ipagpatuloy ang pag-uugnay ng mga komunidad at ang pagpapasigla ng turismo sa timog.
Matatandaang kamakailan lamang ay tumanggap din ang MPT South ng Award of Merit sa 21st Philippine Quill Awards para sa programang Biyaheng South, na layuning itaguyod ang lokal na paglalakbay at napapanatiling turismo sa Southern Luzon.

Post a Comment

0 Comments