DIMENSIYON NG TAO, HINDI LANG PAMANTAYAN ANG PROPESYONALISMO. By : Rommel Madrigal

DIMENSIYON NG TAO, HINDI LANG PAMANTAYAN ANG PROPESYONALISMO  
By : Rommel Madrigal
Sa ilalim ng visionary leadership ni Acting Regional Director PBGEN Jack L. Wanky, isinagawa ng PRO CALABARZON ang seminar na “Professionalism: Its Human Dimension” noong Hunyo 25, 2025, sa Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City, Laguna.
Pinangunahan ni Major General Essel Soriano, AFP (Ret.), Presidente ng Association of Military Christian Fellowship (AMCF) International, ang isinagawang seminar na nagbigay ng inspirasyon at karunungan sa 32 kalahok mula sa 2nd Batch ng 21st Century Leadership Program at 24 na Chief Clerks mula sa Regional Headquarters at Regional Support Units.
Ang transformative na aktibidad na ito ay naglalayong linangin ang etikal na pamumuno, palakasin ang disiplina, at palalimin ang pag-unawa sa propesyonalismo bilang isang pangunahing halaga sa serbisyo publiko, na nagpapaalala sa bawat opisyal na ang tunay na propesyonalismo ay nagsisimula sa karakter.

Post a Comment

0 Comments