By ; Rowena Chavez
BATAAN- Aprubado ng The Authority Freeport Area of Bataan (AFAB) sa pamuno ni AFAB Administrator and Chief Executive Officer (CEO) Hussein P. Pangandaman sa kick-off ng prestihiyosong "Iron Man" 5150 FAB Triathlon Season bilang host sa gaganaping kauna-kaunahang Olympic Distance-Triathlon sa FAB Mariveles, Bataan.
Ang naturang sports ay alinsunod sa partnership ng AFAB at Ironman Group Sunrise Inc., kung saan nakatakdang ganapin ang Inaugural 5150 FAB Triathlon sa November 16, 2025.
Ang nasabing event ay magmamarka ng kasaysayan sa lalawigan ng Bataan, sa pagsulong ng pagbubukas sa Freeport Area of Bataan (FAB) bilang isang sports tourism venue sa bansa.
Sa malugod na pagtanggap ng AFAB sa prestihiyosong Iron Man Triathlon sa FAB na maging hub para sa world class na sporting event ay magsisilbing catalyst ng economic activity at magdudulot ng magandang daloy sa paglago ng turismo sa lalawigan, kaya naman, all systems go na para sa 5150 FAB Triathlon sa Mariveles, Bataan.| via Rowena Chavez
0 Comments