By : Rommel Madrigal
Tuloy tuloy na pamimigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad sa lalawigan ng Laguna, matapos na pagtibayin ng Sanguniang Panlalawigan ang Resolution No. 1086, S. 2024 sa pamumuno ni Laguna Vice Governor Atty. Karen Agapay, bunsod ito ng nagawang pinsala ng bagyong Kristine .
Dahil dito ay malawak na mga imprastraktura at ari-arian ang nasalanta, kaya napagpasiyahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna na ideklarang Under State of Calamity ang buong lalawigan.
Sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chairperson at Laguna Governor Ramil L. Hernandez, pinagtibay at nilagdaan ang Resolution No. 1086, S. 2024 sa isang pagpupulong na ginanap sa panlalawigang kapitolyo na agad namang ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan.
Maraming mga kalsada ang hindi matawiran noong kasagsagan ng bagyo na nagdulot ng buhol-buhol na trapiko. At daan-daang pamilya ang naapektuhan dahil sa malawakang pagbaha kung saan ang higit sa karamihan ay nakatuloy ngayon sa mga evacuation centers sa buong lalawigan.
Dahil dito ayisinagawa ang tuloy tuloy na namamahagi ng tulong ng mga food packs at relief boxes sa mga evacuation centers at mga lugar na sinalanta ng bagyo ang pamahalaang panlalawigan.
0 Comments