Nakatakas naman ang iba pang kasamahan ng mga ito.Sa Isang press conference na ipinatawag ni Eastern Police District (EPD) Dostrict Director PCol. Villamor Tuliao, D ng , sinabi nito na isa ang Rex Fahad sa dalawang criminal group na minamanmanan ng EPD na nag-o-operate sa Pasig mula Marawi City at posible din umanong source ng ipinagbabawal na droga.
Sa report ng Pasig PNP, namataan ang mga suspek na nagtutulak ng Dalawang motorsiklo, kayat nilapitan ng dalawang Barangay Security Force (BSF) kasama ang isang pulis upang alamin ang dahilan kung bakit nila tinutulak ang dalawang motor.
Kaagad umano na pinaputukan ni Malik ang pulis ngunit hindi ito tinamaan. Agad namang gumanti ng putok ang pulis at tinamaan ang suspek sa likurang bahagi ng kaniyang katawan.
Nagsitakbuhan naman umano ang tatlo pang kasamahan nito habang isinugod ang dugatang suspek sa Pasig City General Hospital (PCGH) na kasalukuyang isinailalim sa operasyon.
Samantala, Isang lalaki ang napansin ng mga pulis na umanoy balisa, balak sana ng lalaki na dalawin ang sugatang suspek subalit namukhaan ito ng mga operatiba ng Pasig PNP kaya agad ding inaresto na nakilalangbsi Nikko Mariano.
Ayon naman Kay Pasig City Chief of Police Police Colonel Hendrix Mangaldan, na inaalam pa nila kung carnap ang dalawang motorsiklo na ginamit ng grupo.
Nasamsam din Kay Malik ang Isang 38 kalibreng Baril.
Kasong attempted murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 ang kinakaharap ng mga suspek.(FÉLIX TAMBONGCO)
0 Comments