By Roel Tarayao/Weng Chavez
Pinaniwalaang nalansag ng mga otoridad ang isang organized crime group na sangkot sa serye ng mga pagnanakaw sa mga convenient store sa iba't-ibang lugar sa central luzon.
Ito'y matapos masakote ng mga otoridad ang apat na miyembro kabilang ang lider ng hinihinalang organisadong grupo ng kriminal matapos maabutan umano ang mga ito ng mga otoridad na pinagnakawan ang isang convenient store sa Barangay Consuelo, Florida Blanca, Pampanga.
Kinilala ang lider ng grupo na si Tristan Bestoguey at mga kasamahan nitong sina Tom Contade Nadnaden, Harold Bangloy Saqueb at Daniel Dave Tolingan Egasaen, mga nasa wastong gulang at pawang mga residente ng Baguio City at Mountain Province.
Sa ulat, isang tawag umano ang natanggap ng Florida Blanca MPS hinggil sa naganap nakawan na monitored sa security sytem ng establisimiyento, kaya agad rumesponde ang mga pulis kung kayat naaresto ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang isang caliber 45 na baril at mga bala nito, isang caliber 38 na baril at mga bala, apat (4) na granada, P90,000 na cash, mga ninakaw na grocery items, ilang mga kagamitan na gamit sa kanilang operasyon sa pagnanakaw at isang puting fortuner na may plakang CCL-8293 na gamit ng mga suspek bilang gateaway car.
0 Comments