80TH LEYTE LANDING GINUNITA, KAHALAGAHAN NG SOLIDARITY, BINIGYANG DIIN NI SPEAKER ROMUALDEZ.By : Felixstowe Tambungco

80TH LEYTE LANDING GINUNITA, KAHALAGAHAN NG SOLIDARITY, BINIGYANG DIIN NI SPEAKER ROMUALDEZ.

By : Felixstowe Tambungco


BINIGYANG diin nng lider ng House of Representatives of the Philippines na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa sa hanay ng mga bansa bilang pamamaraan ng kapayapaan.

Ang mensahe ay kasabay sa paggunita ng Ika 80 taon na anibersaryo ng “Leyte Landings” na ginanap sa MacArthur Landing Memorial National Park sa Candahug, Palo Leyte.
 
Sa kanyang talumpati sinabi ni Romualdez  sa mga foreign diplomat na ang kanilang presensya ay palatandaan kung gaano na kalayo ang inabot sa pagsusulong at pagpoprotekta sa pambansang interes.

Hindi na sa pamamagitan ng mapanirang paligsahan ng Armas at karahasan kundi sa pamamagitan ng mapayapa at diplomatikong pagsisikap na mas higit na sustainable.

Pinuri din nito ang pagkikiisa ng mga bansang Australia, Japan at US na nagbahagi ng aspirasyon para sa Isang ligtas at mapayapang rehiyon. Ang Leyte Landing umano ay Isang turning point sa World War II sa rehiyon ng Asya.
 
Kabilang sa mga dumalo Ambassadors Hae Kyung Yu ng Australia, Endo Kazuya nh Japan, US Maj. Gen. Matthew McFarlane, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre at Leyte 2nd District Rep. Lolita Karen Javier, atbp.
 
Dumalo rin si Philippine Veterans Affairs Office Administrator Reynaldo Mapagu, kasama ang mga lokal na opisyal ng Leyte sa pangunguna ni Gov. Carlos Jericho Petilla at Palo Mayor Remedios Petilla.

Post a Comment

0 Comments