LAND BANK PINAIIMBESTIGAHAN NI REP. QUIMBO SA KABIGUAN NITO NA SUNDIN ANG MANDATO. By : Felix Tambongco

LAND BANK PINAIIMBESTIGAHAN NI REP. QUIMBO SA KABIGUAN NITO NA SUNDIN ANG MANDATO.

By : Felix Tambongco 

NANAWAGAN si Marikina City 2nd District Representative Teacher Stella Quimbo sa Land Bank sa kabiguan nito na magampanan ang kanilang original na mandato na suportahan ang marginalize mga sector tulad ng mangingisda, magsasaka at small enterprises. 

Binigyang diin ni Quimbo kung paano ang government-owned financial institution ay mas magpopokus sa malalaking korporasyon at napapabayaan ang sektor na dapat nilang pagsilbihan.

Sa kanyang privilege speech sa House of Representatives of the Philippines,  tinukoy ni  Quimbo kasalukuyang lending portfolio ng LandBank ay kumiling sa malalaking korporasyon,  may 61.38% ang outstanding loans—₱694.55 billion—ay allocated sa malalaking negosyante.

Kabalintunaan  0.09% ng loan o ₱1.07 billion, ang napunta sa mga individual farmers,  mas maliit na halaga ang napunta sa mga kooperatiba at SMEs. 

Nakakabahala tin umano ang pagshift ng Bangko mula sa original na rural development mission hinggil sa kanyang kasalukuyang priority.

“LandBank was created to serve the underserved—not to compete with private banks in funding large corporations. Yet today, it has become a profit-driven institution, focused on servicing big businesses while neglecting the sectors that need its support the most,” said Quimbo.

Nagpahayag din ng kanyang alalahanin si Quimbo sa kawalan ng transparency kaugnay sa mga loan ng mga local government units (LGUs).

Inihalimbawa nito ang P3.6 billion pagkakautang ng Marikina, ang outstanding debt ng Marikina ay mas malaki umano kumpara sa  ₱3.09 billion budget , hindi rin umano malinaw sa publiko ang detalye, layunin at kondisyones sa nasabing loan.

Sa Kabila umano ng paulit ulit na request sa ni Quimbo para sa transparency, patuloy na tumatanggi ang LandBank na ihayag ang kritikal na impormasyon sa paggigiit ng confidentiality clauses na ayon sa kanya ay hindi naman aplikable sa public loans na ang sangkot ay taxpayer funds. 

Ang kawalan ng transparency ay magpapahina sa tiwala ng publiko at pananagutan partikular na ang pagkakautang ay popondohan ng mga taxpayer na dapat maimbestigahan.

Kaalinsabay nitoy nanawagan si Rep. Quimbo sa House Committee on Public Accounts na magsagawa ng imbestigasyon sa lending practices ng Land Bank upang maibalik  ang mandato nito na suportahan ang rural development at ang marginalized sectors.

 it was established to serve. She urged the  focusing on whether proper processes were followed and why transparency has been withheld from the public.

Post a Comment

0 Comments