MARIKINA MAYOR TEODORO MAGHAHAIN NG MOTION FOR RECONSIDERATION SA PAGDISQUALIFY SA KANYA NG COMELEC.By : Felix Tambongco

MARIKINA MAYOR TEODORO MAGHAHAIN NG MOTION FOR RECONSIDERATION SA PAGDISQUALIFY SA KANYA NG COMELEC.

By : Felix Tambongco 
NILINAW  ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na siya ay lehitimong kandidato sa  First Congressional District ng Marikina.

Ang paglilinaw ay ginawa matapos ang resolusyon ng First Division ng Commission on Elections (Comelec)  hinggil sa petition for the cancellation at denial ng certificate of candidacy (CoC) ni Mayor Teodoro na inihain ng kanyang kalaban.

Tinawag ito ni Teodoro na  political maneuvering.

Ayon sa alkalde, ang 2 petisyon na inihain laban sa kanya ay nagpapakita na mayroong politikal na pinagbabatayan upang maalis siya sa electoral race. Hindi niya umano hahayaan na mangyari iyon at gagawin niya ang lahat ng legal remedies na available sa kanya, hindi pa naman imank final and executory ang desisyon.

Sinabi pa ng opisyal na maghahain siya ng Motion for Reconsideration, at mayroon pa siyang 5 araw para gawin iyon.

At dahil ang Resolution ay hindi pa naman final and executory lehitimo pa rin siyang kandidato sa Unang Distrito ng Marikina para sa pagiging miyembro ng Member of the House of Representatives.

Binanggit nito ang rules sa paghahain ng MR sa Comelec.

Sinabi pa ni Mayor Marcy  initially,  pinaninfigan ng local Comelec ang paglilipat ng kanyang voter’s registration at application for transfer ng Election Registration Board (ERB) sa First District of Marikina City.

Pinagtibay rin umano ng First Division ng Comelec na hindi siya istranghero sa  newcomer sa First District ng Marikina at alam din na doon siya isinilang at nahsilbi na rin din siya bilang konsehal, kinatawan ng 1st Congressional District ng  Marikina at kasalukuyang nagsisilbi bilang Mayor.

Binanggiyang diin ng alkalde ang kanyang hindi matatawarang komitment na pagsilbihan ang mga mamamayan ng Marikina at patuloy na maglilingkod sa taumbayan sa kabila ng mga balakid, nangako rin ito na IPAGPAPATULOY ANG LAHAT NG MGA PROGRAMA NA kanyang NASIMULAN PARA SA KAPAKANAN NG MARIKINA.

Post a Comment

0 Comments