2 PANUKALANG BATAS NA NAGREREGULATE SA PAGGAMIT NG CONFIDENTIAL AT INTELLIGENCE FUND INIHAIN SA KAMARA
By : Felix Tambongco
PORMAL ng naghain ng 2 panukalang batas ang house commd4rßittee on good government and public accountability na naglalayong higpitan ang paggamit ng confidential and intelligence fund ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ang House Bill 11192 An Act Regulating the Allocation and Utilization of confidential and intelligence fund Imposing penalties on Misuse and mis-appropriation at HB 11193 o An Act Regulating Special Disbursing Officer (SDO) Imposing Penalties for Misuse ang Misappropriation of funds ay ibinatay sa isinagawang imbestigasyon ng komite in aid of legislation sa isyu ng confidential and intelligence fund ng OVP at ng DepEd.
Sa ilalim ng panukala, higpitan na ang paglalaan at paggamit ng confidential at intelligence fund, habang ang paghire ng SDO dapat ay may dapat na kwalipikasyon at atleast salary grade 24.
Isinasaad rin na sinumang mapatunayan na nagkasala sa ilalim ng panukala ay maaaring makulong at hindi na rin maaaring humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.
Samantala, sa Isang Press Conferysa House of Representatives, ninilaw nina Rep. Rodegr Gutierrez at Rep. Joel Chua na sasailalim pa naman ito sa pagbusisi ng komite.
Sa paghahain ng nasabing mga panukala, hindi umano nangangahulugan na tuluyan ng matutuldukan ang pagdinig ng komite hanggat walang final committee report at wala pang termination sa pagdinig ng komite.
0 Comments