DRUG DEN NI-RAID NG PDEA, 3 ARESTADO SA PAMPANGABy : Roel Tarayao

DRUG DEN NI-RAID NG PDEA, 3 ARESTADO SA PAMPANGA

By : Roel Tarayao

 Tatlong drug suspek ang arestado ng mabuwag ang isang makeshift drug den na sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasamsam ang nàsa mahigit P100k pisong halaga ng suspected shabu sa anti-illegal drug operations sa barangay Sta.Lucia, Magalang, Pampanga. 
Kinilala ng PDEA ang mga nadakip na suspek na sina; Ivan Chevaro Suba alyas "Lupin", Ryan Pagquil Pingol alyas "Sarat", at Ronnel Alfonso Sibug, pawang mga nasa wastong gulang at residente sa naturang lugar. 
Nasamsam sa mga suspek ang ilang pakete ng suspected shabu na may street value ng P102,000, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buybust. 
Nahaharap na ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Post a Comment

0 Comments