SEN. TOLENTINO MAINIT NA TINAGGAP NG MGA BATANG KANKALOO, MATAPOS MAG-TSEK SA PROCLAMATION RALLY, MAYOR ALONG AT MGA KASAMA, ININDORSO.
By : Jimmy Mahusay
MAINIT ang pagtanggap ng mga taga-kankaloo o Caloocan kay Majority Floor Leader Senator Francis “TOL” Tolentino na isa sa naging panauhing pandangal sa isinagawang Proclamation Rally ng Aksyon at Malasakit sa pangunguna nina; Caloocan City Mayor Dale Gonzalo Along Malapitan at ama nitong Congressman Oscar “Oca” Malapitan na isinagawa kahapon September 28, 2024 sa Caloocan Sports Complex sa Barangay 171, Caloocan City.
Sinalubong ng palakpakan si Tol ng tawagin ang kanyang pangalan para magbigay ng mensahe.
Unang binati ng Senador ang alkalde ng Lungsod Mayor Along Malapitan at ang kanyang ama, Cong. Oca Malapitan at mga opisyal ng Lungsod, ganoon din ang kapwa panauhin na sina: Senator Imee Marcos, DILG Sec. Benhur Abalos, Cong Camille Villar ng Las Piñas at Makati Mayor Abby Binay.
Sa mensahe nito, inihayag ng Senador ang kanyang paghanga sa pag-unlad ng Lungsod na idinaan sa pamamagitan ng pag-Tsek ng mga matagumpay na programa.
Binigyang pakahulugan ni Tol na pag-sinabi mong Development, ang ibig sabihin aniya, KANKALOO, pag sinabi naman aniyang kaunlaran, ibig sabihin raw ay Kalookan.
Inihambing din ng Senador ang pamumuno ni Mayor Along sa eroplano na handa ng lumipad dahil kumpletos rekados na aniya, kanya ring binigyang (Tsek) ang mga natamong pagkilala at mga maipatupad na programa, tulad ng … nanalo na ba ito ng KALASAG AWARD? – Tsek, mayroon bang sariling PAMANTASAN? – Tsek, ito daw ba ay may COLLEGE of LAW? – Tsek, mayroon bang magandang OSPITAL? – Tsek, mayroon ba itong magagaling na BARANGAY OPISYAL? – Tsek, mayroon bang sangguniang PANLUNGSOD? –Tsek.
Kaya dahil sa mga batayang yan, personal na ININDORSO ni Sen Tolentino si Mayor Along Malapitan at mga kasama nito.
“Kaya sa maikling panahon ko po sa entabladong ito, hindi man po ako botante sa kalookan, buong puso ko pong INIINDORSO si Mayor Along Malapitan at kanyang mga kasama, pagtulong-tulongan po natin para ang paglipad ng eroplano tuloy-tuloy po ang kaunlaran ng Lungsod ng Kalookan mga Tol….. pagtatapos ng senador na sumigabong ang palakpakan ng mga batang kankaloo. (JIMMY MAHUSAY)
0 Comments