MUSLIM TRADERS SA GREEN HILLS SAN JUAN, NANAWAGAN KAY PANGULONG MARCOS NA IRELEASE NA ANG MARAWI COMPENSATION.By : Felix Tambongo

MUSLIM TRADERS SA GREEN HILLS SAN JUAN, NANAWAGAN KAY PANGULONG MARCOS NA IRELEASE NA ANG MARAWI COMPENSATION.By : Felix Tambongo

UMAPILA RIN SA MAMAMAYAN NA SUPORTAHAN ANG MUSLIM TIANGGE SA GREEN HILLS.

UMAPILA ang Isang grupo ng Muslim traders Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Marawi Rehabilitation fund committee na apurahan ang paglalabas ng kumpensasyon sa mga naging biktima ng Marawi Seige.

Ayon Kay Metro Manila Muslim Traders Association president Engr. Nassif Malawani na nakabase sa Green Hills Mall ngayon ay GH Mall sa San Juan, karamihang sa kanilang mga miyembro mula sa tribu ng Maranao ay pawang taga Marawi, subalit na wasak ang kanilang mga kabahayan at kabuhayan dahil sa nangyaring pagkubkob sa Marawi.

Sa ginanap na Kapihan sa Metro East sa pamamagitan ng PAMAMARISAN Rizal Prescorps, ikinuwento ni Malawani kung paano ang hirap na kanilang naranasan matapos ang Marawi Seige, kaya ngat ang karamihang ay umasa na lamang sa negosyo sa Green Hills San Juan.

Marami na rin umano ang namatay na subalit hindi nakamit ang Marawi compensation.

Samantala, Idagdag pa ni Malawani na mas nadagdagan pa ang kanilang pagdurusa dahil sa paghina ng kanilang kita sa Green Hills Tiangge lalo na noong inilagay ng US Trade ang Greenhills area sa Watchlist, 

Sa Kasalukuyan ay nananawagan din sila sa publiko na tangkilikin ang mga produkto sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City, at nakahanda sila na iaddress ang mga problema at concern ng mga mamimili.

Tiniyak din nila na de kalidad at abot kayang produkto na ibinebenta lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Ginarantiyahan din ni Malawani na mahigpit nilang binabantayan ang kanilang hanay laban sa piracy,

Post a Comment

0 Comments