ABOITIZ POWER NAMAHAGI NG RELIEF PACKS SA MGA APEKTADO NG KALAMIDAD. By : Rowena Chavez

ABOITIZ POWER NAMAHAGI NG RELIEF PACKS SA MGA APEKTADO NG KALAMIDAD 

By : Rowena Chavez 
BATAAN- Namahagi ang Aboitiz Power Corporation sa pamamagitan ng GNPower Mariveles Energy Center (GMEC) at GNPower Dinginin (GNPD) ng relief packs para sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad sa mga komunidad sa Bayan ng Mariveles, Samal, Orani, Hermosa, Bagac at Morong.
Nasa kabuang 1,900 relief packs ang naipamahagi sa loob ng limang araw na relief operations simula July 21 hanggang 25, 2025 sa mga residente sa naturang lugar.
Ang nasabing hakbang ay nakatulong na mabigyang prayoridad sa agarang pangangailangan ng mga apektadong komunidad sa coastal at upland barangays sa Bataan.
Ang nasabing inisyatiba ng Aboitiz Power ay bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa at suporta sa  komunidad patunay lamang buhay ang bayanihan para sa mamamayan nangangailangan.| via Rowena Chavez

Post a Comment

0 Comments