By : Edwin Moreno
Umaabot sa P77,921,760.00 halaga ng droga ang narekober ng PNP-Drug Enforcement Group sa 71 anti-drug operation mula Oktubre a-1 hanggang Oktubre 31 ng taon.
Ayon kay PDEG-director BGen. Eleazar Matta, ,80 drugs personalities ang kanilang naaresto para protektahan ang taong bayan.
Ang matagumpay na drug operation ay nagresulta sa pagkakumpiska ng 3,520.20 gramo ng shabu, 33,000 grams ng high grade marijuana, 33,040 grams ng tuyong dahon ng marijuana, 45 milligrams ng marijuana oil, 700 seedlings ng marijuana at 2,800 fully grown ng marijuana plants.
Dagdag ni Matta, ang walang tigil na operasyon ng kagawaran ay patunay na sensiro sila sa laban kontra droga.
Ang pagsunod sa utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na igalang ang karapatang pantao at panuntunan ng batas.
Sa huli, pinuri at pinasalamatan ng opisyal ang mga tauhan sa dedikasyon kontra droga.
0 Comments