NAKUMPLETO NA NG MANILA ELECTRIC COMPANY ANG REPAIR NG MGA NASIRANG POWER LINE DULOT NG BAGYONG KRISTINE. By : Felix Tambongco

NAKUMPLETO NA NG MANILA ELECTRIC COMPANY ANG REPAIR NG MGA NASIRANG POWER LINE DULOT NG BAGYONG KRISTINE. 

By : Felix Tambongco 

Kinumpirma ni Meralco Vice President for Corporate Communications at Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Sa ginanap na Kapihan sa Metro East Media Forum ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps, sinabi ni Zaldarriaga na umaabot sa kalahating milyon ang customer na naapektuhan ng nakaraang bagyo.

Sa naturang ding forum, inanunsyo ni Zaldarriaga na magbabawas ng 36 centavos per kilowatthour ang Meralco sa electric bill ngayong  October at para sa buean ng November at December ngayong taon.

Habang sa unang Dalawang buwan ng 2025 (January/February) o cold months ay mananatiling stable ang presyo ng kuryente, subalir sa summer months (March-June), nangangahulugan naman ito ng mas mataas na presyo ng kuryente.

Samantala, tinuran din ni Zaldarriaga na ang Meralco ay may may partnership sa labas ng kanilang franchise area upang kanilang matulungan at makapaghatid ng makatwirangbpresyo na P18-P19 per kilowatthour na may uninterrupted service.

Idinagdag pa nito na “Mayroon silang 100 percent solar electrification initiatives upang mabigyan ng kuryente ang “off grid” areas.

Tiniyak din nito na nakahanda ang Meralco sa anumang emergency o weather disturbance na nakakaapekto sa mga Meralco customer.

Post a Comment

0 Comments