By ; Rommel Madrigal
LAGUNA - Patuloy na umaahon at lumalaban ang mga mamamayan ng lungsod ng San Pedro sa dinanas nilang delubyo dulot ng bagyong Kristene.
Kung kaya nagtipon ang mga mamamayan ng San Pedro sa bulwagan ng Pacita Astrodome .Upang tangapin ang tulong na mula Kay Sen.Bong Revilla. Na mula sa tangapan ng DSWD na AICS-Assistance to Individual in Crisis Situation.
Umabot naman sa 2,500 na residente ng lungsod na marami dito ay mga senior citizen, pwd, mga walang pinagkukunang hanapbuhay at iba pang talagang nangangailangan ang nabigyan ng tanggapan ni Sen Revilla katuwang ang DSWD .
Sa panayam kay Sen.Revilla ay patuloy ang kanyang pagtulong sa lungsod. Aniya anumang ang pangangailangan nila ay maari silang magtungo sa kanyang tangapan doon sa senado. At tiyak na ito agad tutugunin ng senador .
Labis naman ang ipinaabot na pasasalamat ni Mayor Art Mercado Kay Senator Bong Revilla dahil sa walang patid na pagbibigay nito ng ayuda para sa kanyang pamayanan.
0 Comments