MALABON LGU, MULING NAGPAALALA SA MGA RESIDENTE NA IWASAN ANG PAGTATAPON NG BASURA SA MGA KANAL By Jimmy Majusay
ISANG-KATERBANG basura na umabot sa 40 sako ang nakolekta ng City Engineering Department ng Malabon City sa isinagawang clean-up operation sa Muzon Pumping Station.
Ang mga basura nahakot ang dahilam kaya't nagdudulot ng pagbara sa mga pumping station na nagiging sanhi ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng syudad.
Muling nag-paalala ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa mga residente na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga kanal, kalsada at lalo na sa mga pumping stations.
Nananawagan ang Malabon LGU sa bawat isa na magtapon ng basura sa tamang lugar upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng komunidad.
Kaugnay nito, patuloy na minomonitor ng City Engineering Department ang lahat ng pumping stations sa lungsod upang masigiro na maayos na gumagana ang mga ito. (Jimmy Mahusay)
0 Comments