60 PULIS SUGATAN SA PAGPATUPAD NG ARREST WARRANT NI QUIBOLOY SA KINGDOM OF JESUS CHRIST SA DAVAO CITY! by Edwin Moreno


60 PULIS SUGATAN SA PAGPATUPAD NG ARREST WARRANT NI QUIBOLOY SA KINGDOM OF JESUS CHRIST SA DAVAO CITY! by Edwin Moreno 


Nagtamo ng mga sugat sa iba't -ibang parte ng katawan ang may 60 tauhan ng PNP sa patuloy na pagsisilbi ng warrant of arrest sa puganteng si Pastor Quiboloy.

Ito'y matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ sa compound.

Ayon kay PRO11-spokesperson Maj. Catherine dela Rey, ang mga sugatang pulis ay tinamaan ng magpaulan ng mga bato at mabahong tubig ang mga miyembro ng KOJC.


Nabatid pa kay dela Rey, mga sugat sa ulo, leeg, ilong, mukha, paa at mga kamay ang mga tama ng pulis na nagpapagaling ngayon sa ilang ospital.

Samantala, 2 sugatang kasapi din ng KOJC ang ginamot ng pulisya. 


Nanawagan naman ang PNP sa mga taga-suporta ni Quiboloy, para maiwasan umano ang sakitan ay panatilihin ang payapaan at kaayusan.

Kaugnay nito, 29 naman na membro ng KOJC ang kinasuhan ng awtoridad tulad ng obstruction of Justice at direct assault.


Ang mga ito umano ay nasa kustodiya ng Davao city police at nakatakdang isalang sa inquest proceedings.

Post a Comment

0 Comments