MGA PNP REGIONAL, NAGHAYAG NG SUPORTA KAY BGEN. TORRE SA KABILA NG MGA BATIKOS SA PAGSILBI NG ARREST WARRANT KAY QUIBOLOY! By: Edwin Moreno


MGA PNP REGIONAL, NAGHAYAG NG SUPORTA KAY BGEN. TORRE SA KABILA NG MGA BATIKOS SA PAGSILBI NG ARREST WARRANT KAY QUIBOLOY!


Suportado ng iba't -ibang Police Regional Office ang ginawang pagsisilbi ng warrant of arrest ni PRO-11 Regional director BGen. Nicolas Torre lll kay Apollo Quiboloy sa kabila ng mga batikos at propaganda.


Ayon kay PRO4A-Regional director P/BGen. Paul Kenneth Lucas, nauunawaan nila ang mga pagpapatupad ng batas at protektahan ang komunidad at pinuri ang PRO11 sa mga hamon na kinakaharap.

Kumpiyansa naman si PRO-CAR Regional Director David Peredo Jr., na isusulong ng PRO XI ang "justice" at "fairness" habang tinutupad  ang kanilang mandato sa  pagsisilbi ng warrant of arrest na inilabas ng  hukuman.

Naniniwala naman si PRO BAR Acting Regional Director Bgen. Prexy Tanggawohn na mananaig ang hustiya at lalabas ang katotohanan sa hakbang na ginagawa ng PNP.

==

Post a Comment

0 Comments