ISANG BUWAN NA IPINAGPALIBAN NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION ANG IMPLEMENTASYON SA BAGONG GUIDELINES SA PAGDAAN O PAGGAMIT NG TOLL EXPRESSWAYS. By : Jong Manlapaz

Courtesy of google 
Courtesy of google

ISANG BUWAN NA IPINAGPALIBAN NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION ANG IMPLEMENTASYON SA BAGONG GUIDELINES SA PAGDAAN O PAGGAMIT NG TOLL EXPRESSWAYS. By : Jong Manlapaz

Ito ang inanunsyo ng DOTR kasunod ng nalalapit na pagpapatupad ng joint Memorandum Circular 2024-001 o ang revised guidelines for all vehicles travelling on toll expressways. 

Sa ilalim ng nabanggit na bagong panuntunan, pagmumultahin na ang lahat ng mga motorista na walang nakakabit na valid Electronic Toll Collection Device o RFID. 

Kabilang din sa pagmumultahin ang mga nagmamaneho ng sasakyan na kulang ang load o walang load ang kanilang mga RFID. 

Batay sa unang abiso ng DOTR, dapat ay sa darating na Sabado na o sa Agosto a-31 ipatutupad ang kautusan pero ipinagpapaliban na ngayon hanggang sa darating na october 1, 2024. 

Layon ng bagong guidelines na mapabilis ang daloy ng trapiko sa mga toll plaza na naantala ng mahabang pila dahil sa mga sasakyan na walang RFID o walang load ang kanilang RFID. 

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 30-araw na deferment o pagpapaliban ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga tollway operators na magsagawa ng malawakang information campaign at maipabatid sa mga motorista ang bagong patakaran.

Post a Comment

0 Comments