DOJ HINAMON NI BARBERS NA KASUHAN NA SINA GARMA AT LEONARDO.By : Felix Tambongco

DOJ HINAMON NI BARBERS NA KASUHAN NA SINA GARMA AT LEONARDO.

By : Felix Tambongco 


Nais ni House Quad Committee Chairman Representative Robert Ace Barbers na sampahan na ng department of Justice  ng kasong murder  sina retired police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo.

sina Garma at Leonardo ang itinuro ng dalawang testigo sa pagdinig ng quad committee na nasa likod daw ng pagpaslang kay dating Philippine Charity sweepstakes office o pcso board secretary at retired Gen. Wesley Barayuga.

Sinabi ni Barbers na hindi na kailangang maglabas ng rekomendasyon ng Komite para kasuhan ng DOJ sina Garma at Leonardo.

Ito ay lalo nat nasusundan naman aniya ng DOJ ang takbo ng imbestigasyon ng Quad Committee.

AYON kay Barbers, nakikipag-ugnayan  na ang Quad Committee sa DOJ hinggil sa malalaking mga ebidensya na nakuha ng Komite sa kanilang imbestigasyon  sa extra judicial killings, ilegal drugs at philippine offshore gaming operators.

Hinimok din ni Barbers ang DOJ na kausapin na sina police Lt. Col. Santie Mendoza ng  PNP  Drug Enforcement Group at ang  drug informant nito na si Nelson Mariano na nagdadawit kina Garma at Leonardo sa pagpatay kay Barayuga.

Post a Comment

0 Comments