LOLO AT LOLA, BINIGYANG-PUGAY SA ENCHANTED KINGDOM; PAMILYA, NAGSAMA-SAMA SA “FIESTA NG PAGMAMAHAL

LOLO AT LOLA, BINIGYANG-PUGAY SA ENCHANTED KINGDOM; PAMILYA, NAGSAMA-SAMA SA “FIESTA NG PAGMAMAHAL”

By : Aisha May Perey

SANTA ROSA, LAGUNA — Naging tampok ang pagpapahalaga sa mga lolo at lola sa isinagawang “Fiesta ng Pagmamahal: A Grandparents Celebration” sa Enchanted Kingdom noong Setyembre 12 at 13.
Pinagsama sa dalawang araw na aktibidad ang mga senior family members at kanilang mga mahal sa buhay para sa bonding, entertainment at iba’t ibang libreng serbisyo bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga grandparents sa pamilyang Pilipino.

Bahagi ang selebrasyon ng Love Saribuhay campaign ng theme park, na nakatuon sa pagpapahalaga sa biodiversity ng bansa at sa mga pagpapahalagang Pilipino gaya ng pagmamahal, respeto, pagkakaisa at matibay na ugnayan ng pamilya.
Bukod sa mga rides at attractions, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga pamilya na manood nang magkakasama ng mga pelikulang umiikot sa tema ng pagmamahalan at pamilya.

Ipinalabas sa Eldar’s Theater ang tatlong pelikula ng VIVA Films—Unforgettable, Miss Granny at Hating Kapatid.

Samantala, nakatanggap din ng libreng wellness services ang mga lolo at lola, kabilang ang hair care, head at shoulder massage at scalp treatment.

Nagkaroon din ng free medical at health consultations sa pakikipagtulungan ng Unihealth–Sta. Rosa Hospital and Medical Center.

Patuloy naman ang mga aktibidad na may temang Saribuhay bilang bahagi ng paghahanda ng Enchanted Kingdom para sa ika-31 nitong anibersaryo ngayong Oktubre.

Post a Comment

0 Comments