1MUNTI PARTYLIST, INILUNSAD ANG KANILANG CAMPAIGN KICK-OFF SA MALABON CITY, MANININDA AT MAMIMILI NG CENTRAL MARKET ANG SINUYOD
By : Jimmy Mahusay
MAINIT ang naging pagtanggap ng mga manininda at mamimili sa central market sa Sevilla st, Malabon city na kung saan dito sinimulan ng 1Munti Partylist ang kanilang Campaign Kick-Off upang makapanayam at alamin ang kalagayan ng mga vendors sa naturang lugar.
Layunin ng 1Munti Partylist na maiangat ang bawat Pilipino tungo sa pagiging produktibo na maging bahagi ng Lipunan sa serbisyong direktang hatid sa mga komunidad at pagsulong ng mga batas sa pambangsang antas.
Ninanais ng 1Munti na masuportahan at magabayan ang bawat Batang Juan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan, tulong para sa Early Detection sa mga batang posibleng may developmental delays, layon din ng 1Munti na sila ay magkaroon ng screening ng mga eksperto, pagkalooban sila ng therapy sessions at magkaroon ng gabay sa mga magulang sa tulong ng Parents Support Group.
Kumpleto ang presensya ng tatlong nominado ng 1Munti Partylist #121 na sina; Atty. Raffy Garcia, Debs Bartolo, at Coco Yoro.
Nagsusulong ang 1Munti Partylist ng pangkalahatang programa ng pagsuporta sa mga batang Pilipino mula sa sinapupunan hanggang sa paghahanapbuhay bilang pagsiguro ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa.
Matapos na maikot ang palengke, nagpasalamat ang tatlong nominado sa mainit na pagtanggap at suporta sa kanilang pagbisita at ipinapangako ng mga Ka-1Munti na ang mga boto nila para sa 1Munti Partylist, ay para sa kinabukasan ng mga Batang Juan at hindi lamang sa Malabon, kundi sa mga Batang Juan ng Bansa. (Jimmy Mahusay)
0 Comments