LUISIANA LAGUNA -Kasabay ng 25th Pandanan Festival at sa 170th Absolute Independence Day sa Luisiana, Laguna sa paanyaya ni Mayor Jomapher Alvarez, pinangunahan naman ni Senator Bong Go ang pamamahagi ng tulong para sa 500 residente sa lugar na nawalan ng hanapbuhay.
Bukod sa tulong na natanggap mula sa kanyang opisina, may pansamantalang trabahong nakalaan din sa mga kuwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng programa ng national government.
Ilan pa sa mga LGU officials na dumalo sa naturang relief activity ay sina Vice Governor Karen Agapay, Luisiana Vice Mayor Luibic Jacob at iba pang konsehal.
Ayon kay Senator Kuya Bong Go na adopted son ng bayan ng Luisiana at buong CALABARZON, patuloy siyang tutulong sa kanyang mga kababayan sa abot ng kanyang makakaya at kapasidad.
Sa pahayag ni Sen Go. Bilang Chair ng Senate Committee on Health, ipinaalala rin niya sa lahat na ingatan ang kalusugan lalo ngayong tag-init at sa mga kumakalat na sakit.

0 Comments