27 KOOPERATIBA SA SANTA ROSA, KINILALA SA LION CITY COOPERATIVE AWARDS

27 KOOPERATIBA SA SANTA ROSA, KINILALA SA LION CITY COOPERATIVE AWARDS

By : Rommel Madrigal
Dalawampu't pitong natatanging kooperatiba sa Lungsod ng Santa Rosa ang kinilala sa isinagawang 3rd Annual Lion City Cooperative AwardS, sa Santa Rosa Gateway Complex, Balibago.
Pinangunahan ng Office of the City Cooperative Development Officer ang pagkilala sa mga kooperatibang nagpakita ng mahusay na pamamahala, de-kalidad na serbisyo at malaking kontribusyon sa kanilang mga miyembro at komunidad.
Nakiisa sa aktibidad sina Vice Mayor Arnold B. Arcillas at Konsehal Eusebio “Tecs” Batitis, Chairman ng Committee on Cooperative.

Sa Micro Category, itinanghal na Most Outstanding Cooperative ang Samahang Maharlika Multi-purpose Cooperative. Sa Small Category, nagwagi ang Toyota Women Consumers Cooperative, habang sa Medium Category naman ay ang Jeannies Touch Multi-purpose Cooperative.
Kinilala rin ang NNB Multi-purpose Cooperative bilang Most Promising Cooperative at ang HRRPO Multi-purpose Cooperative bilang recipient ng Membership Growth and Excellence Award.

Layunin ng taunang pagkilala na hikayatin ang mahusay na pamamahala at palakasin ang sektor ng kooperatiba bilang katuwang sa pagpapaunlad ng kabuhayan at komunidad ng mga Rosense.

Post a Comment

0 Comments