KANDIDATONG GOVERNADOR NG LAGUNA, ATTY. KAREN AGAPAY FULL SUPPORT SI MAYOR EDWIN RAMOS NG BAY, LAGUNA SA KANYANG KANDIDATURA!
By : Rommel Madrigal
BAY, Laguna – Sa idinaosos na grand rally ng Partido Federal ng Pilipinas sa bayan ng Bay, Laguna, na pinangunahan ni dating Mayor Edwin Ramos, nagbigay siya ng garantiya sa mga Bayeños na magiging maayos ang kalagayan ng lalawigan sa oras na magwagi si Gov. Atty. Karen Agapay.
Dito ay ibinalita ni Gov. Agapay ang dalawang programang akala ng iba ay suntok sa buwan ngunit matagumpay na ipinatutupad na sa ibang probinsiya sa Mindanao, kung saan libu-libong residente ang nakikinabang, na walang binabayaran ang mamamayan.
Isa sa kanyang pangunahing adbokasiya ay ang libreng gamot sa ospital, tulad ng ipinatutupad sa Cotabato sa ilalim ni Gov. Jun Tamayo at sa probinsiya ng Sultan Kudarat.
Sa ginawang pagbisita ni Gov. Agapay sa ospital doon, nabatid niya na walang makikitang cashier dahil wala kang babayaran paglabas mo ng ospital. Ganito rin ang gagawin natin dito sa Laguna," paliwanag ni Agapay.
Dagdag pa niya, kung siya ay palarin, personal na tutulong si Gov. Tamayo sa pagsasaayos ng mga dokumento para sa implementasyon ng programa, at titiyakin nilang makadadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsisimula nito.
Isinusulong din ni Agapay ang libreng edukasyon sa kolehiyo para sa mga kabataang Lagunense.Ngunit meron Syang pakiusap sa mga magtatapos sa tulong ng isholar "Kapag nakapagtapos bilang iskolar ng bayan, sana dito muna magsisilbi sa lalawigan upang hindi maubusan ng mga propesyonal tulad ng mga doktor, nars, inhinyero, at iba pa."
Ayon naman kay Mayor Edwin Ramos, bukod sa pagiging mabuting tao, si Gov. Atty. Karen Agapay ay higit na kwalipikado para sa posisyon. "Di hamak na mas angat si Agapay dahil isa siyang abogada. Hindi lamang siya kilala sa Laguna kundi maging sa buong bansa dahil siya ang kasalukuyang pangulo ng mga Vice Governor sa buong Pilipinas," aniya.
Ipinahayag pa ni Ramos na, kabilang sa kanyang mga programa para sa Bay, Laguna, ang pagsugpo sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga nagbebenta nito at pagtulong sa mga gumagamit upang madala sila sa rehabilitation centers para makabalik sa kanilang pamilya at makaiwas na sa masamang bisyo.
Isa pa sa kanyang proyekto ang pagtatatag ng industrial zone sa Bay upang lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Bayeños. "Kapag nagkaroon na ng industrial zone, mas maraming kumpanya ang maitatayo, kaya mas maraming kababayan ang magkakaroon ng trabaho at kita," dagdag ni Ramos.
Patuloy ang kampanya para sa kaunlaran ng Laguna sa ilalim ng pamumuno nina Gov. Karen Agapay at Mayor Edwin Ramos, na parehong may layuning mapaunlad ang kanilang nasasakupan.
0 Comments