SA CALABARZON, IBINAHAGI ANG DATOS SA KAHIRAPAN BILANG GABAY SA PAGPAPAUNLAD NG REHIYON

SA CALABARZON, IBINAHAGI ANG DATOS SA KAHIRAPAN BILANG GABAY SA PAGPAPAUNLAD NG REHIYON

By : Rommel Madrigal

Nagsagawa ang Philippine Statistics Authority o PSA Regional Statistical Services Office IV-A ng 2025 Full-Year Official Poverty Statistics Regional Dissemination Forum sa Lungsod ng Calamba, Laguna.

Dinaluhan ang forum ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, akademya, pribadong sektor at media upang talakayin ang kahalagahan ng datos sa kahirapan bilang batayan sa pagpaplano at paggawa ng mga polisiya.

Nagbahagi ng kanilang kaalaman sina Department of Economy, Planning and Development IV-A Regional Director Carmel P. Matabang at Driesch Lucien R. Cortel, Supervising Statistical Specialist ng PSA Central Office.

Inilahad naman nina Charity O. Bautista at Joselyn G. Madrigallos ng PSA RSSO IV-A ang mahahalagang resulta ng mga opisyal na estadistika hinggil sa kahirapan.

Binigyang-diin ni PSA CALABARZON Regional Director Charito C. Armonia na ang mga datos ay hindi lamang sukatan ng kasalukuyang kalagayan ng bansa, kundi nagsisilbi ring gabay sa pagtukoy ng mga kinakailangang hakbang tungo sa isang mas inklusibo at maunlad na lipunan.

Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng ika-37 National Statistics Month na may temang “Tuklas Pilipinas: Statistics as a Beacon towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism.”

Patuloy namang isinusulong ng PSA RSSO IV-A ang pagpapalawak ng kaalaman sa estadistika at paggamit ng mapagkakatiwalaang datos bilang batayan ng mga desisyon para sa inklusibo at sustenableng pag-unlad ng CALABARZON

Post a Comment

0 Comments