CONCEPCION DOS SUPER HEALTH CENTER, GAGASTUSAN NA NG MARIKINA CITY GOVERNMENT, MATAPOS ANG PATULOY MA PAGBALEWALA NG DOH SA REQUEST NA PONDO. By : Rommel Madrigal

CONCEPCION DOS SUPER HEALTH CENTER, GAGASTUSAN NA NG MARIKINA CITY GOVERNMENT, MATAPOS ANG PATULOY MA PAGBALEWALA NG DOH SA REQUEST NA PONDO.
By : Rommel Madrigal
GAGASTUSAN na nang lokal na pamahalaan ng Marikina City ang pagkumpleto sa ipinagagawang Concepcion Dos Super Health Center matapos na Mabigo ang Department of Health (DOH) na pondohan ang nattitirang pagawain sa proyekto.

Sa liham na ipinadala ng tanggapan ni Marikina Mayor Maan Teodoro sa tanggapan ni DOH Secretary Teodoro "Ted' Herbosa na may Petsang October 9, 2025, sinabi nito na nagdesisyon ang city government na ituloy ang konstruksyon at kumpletohin ang pasilidad gamit ang pondo ng lokal na pamahalaan.
Ayon Kay Mayor Maan Teodoro, dahil kailangan ng tao ang serbisyong medikal, sila na ang kusang nagdesisyon maglaan ng P200 million budget sa kanilang 2026 budget. 

Ang super health center ay hindi lamang magbibigay ng basic health services, kundi maisasama na ang  autism center for people with special needs.

Idinagdag pa ng alkalde na nagsumite sila ng request sa DOH noon pang 2024 at patuloy na nagpapaloap para sa Super Health Center na nagkakahalaga P180 million, para sa pagkumpleto ng  four-storey building, subalit patuloy na iniidnob ng DOH ang kanilang kahilingan.

Ang Phase 1 nang proyekto na pondohan ng P21 million sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH ay sinasaklaw lamang sa foundational works. Nag - umpisa ang proyekto noong 2023 at nakumpleto noong 2024. 

Idinagdag pa ni Mayor Teodoro na para malinaw, ginawa ng LGU ang kanilang parte na kumpletohin ang first phase ng proyekto ayon sa budget na ibinigay ng DOH. Ang DOH umano ang may pagkukulang. ( FELIX TAMBONGCO )

Post a Comment

0 Comments