BILANG pagpapahalaga sa mahalagang papel na ginampanan ng mga nakakatanda na ilang dekada nang naglingkod at nagsakripisyo para sa pamilya at sa bayan, planong ayusin ng kumakandidatong Alakalde sa Lungsod ng Pasig ang sistema ng paglilingkod sa mga katandaan.
Kabilang sa mga sistema na babaguhin ay hindi na pipila ang mga lolo at lola sa init ng araw o ulan, hindi na rin kailangang maghintay ng matagal para makuha ang pang maintenance na gamot dahil dadalhin nang pag-aalaga diretso sa kanilang mga tahanan o ihahatid house to house, puso sa puso.
Bawat gamot umano na ihahatid ay simbolo ng malasakit. Bawat pag-abot, ay paalala na mahalaga kayo, na hindi kayo nakakalimutan.
Ayon Kay Mayoralty candidate Ate Sarah Discaya, panahon na para sila naman ang alagaan, paglingkuran, at ipadama ang pagmamahal na nararapat sa kanila.
Kung Kaya umano sa ibang Lungsod ay kaya rin nila ng Pasig.
Sinabi pa ni Ate Sarah na Hindi nakakababa ang pag-gaya sa mabubuting halimbawa; ang mahalaga, maihatid ang serbisyong may puso at pagmamalasakit na walang kapantay para sa bawat Pasigueño.
Pangarap din ni Ate Sarah — ang makita ang mga matatanda nilang kababayan na hindi na nagdurusa, kundi minamahal, inaalagaan, at pinahahalagahan dahil sapagmamahal na ito, doon bubuo ng mas makatao, mas maunlad, at mas mapagmalasakit na Pasig dahil ang tunay na lider ay hindi nagpaparamdam ng pagod sa paglilingkod, kundi nagpaparamdam ng pagmamahal sa bawat Pilipino.
Idinagdag pa nito na pag may pag-ibig, may paraan. At pag may malasakit, walang malayo, walang mahirap at walang imposible.'
0 Comments