ILANG RESIDENTE NG MARIKINA, NANAWAGAN SA COMELEC NA IMBESTIGAHAN ANG HINDI TAMANG PAGGAMIT NG SASAKYAN NG KUMAKANDIDATONG MAYOR. By : Felix Tambongco
NANAWAGAN Ang Ilang Marikenyo sa Commission on Election na imbestigahan ang umanoy paggamit ng isang kandidato sa Lungsod ng Marikina na umanoy ginagamit ng sasakyan na walang plaka.
Hindi malaman ng mga Marikenyo kung ano ang motibo ng kandidato sa pagka Mayor na si Congresswoman Maan Teodoysa paggamit ng sasakyan ng walang plaka.
Hindi naman umano maitatago kung kangino ang nasabing sasakyan dahil mayroon itong nakalagay na campaign sticker ng kongresista.
Una ng namataan ang sasakyan ni Congresswoman Maan Teodoro na bumiyahe nang walang plaka kahapon ng umaga, bandang 9:30 hanggang 9:45 AM, sa kahabaan ng Gil Puyat Street/A. Bonifacio (Loyola side), Barangka, Marikina.
Ayon sa nakakita, patungo umano ang naturang sasakyan sa UBB at malinaw na walang anumang plaka ang sasakyan — isang tahasang paglabag sa batas trapiko at patakaran ng LTO.
Sa ilalim ng batas, bawal ipagamit o irehistro sa lansangan ang anumang pribadong sasakyan na walang plaka, maliban na lang kung ito ay may kaukulang dokumento gaya ng conduction sticker at special permit na sa kasong ito, ay hindi nakita.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may opisyal ng gobyerno ang nasangkot sa ganitong uri ng paglabag, ngunit dahil ito ay pag-aari umano ng isang halal na opisyal, lalong lumakas ang panawagan ng publiko na imbestigahan ang insidente.
Malaking katanungan din kung Ang pribilehiyo ba ng isang halal na opisyal ay ginagamit sa Hindi tamang kaparaananan kahit pa may nalalabag ito sa umiiral na batas.
Samantala, Hindi pa nagbibigay ng kanyang panig si Teodoro upang bigyang kalinawan ang nasabing usapin.
0 Comments