170K HALAGA NG SHABU KUMPISKADO SA PAGHAHAIN SEARCH WARRANT NG LUMBAN PNP
By : Jojo Sabeniao
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang paghahain ng Search Warrant operation ng Lumban PNP pasado Ika-7 ng Pebrero 14, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Ricardo I Dalmacia, Acting Provincial Director, ng Laguna PPO ang suspek na si alyas Manuel residente ng Lumban, Laguna.
Sa ulat ni PMAJ Bob Louis L Ordiz, hepe ng Lumban Municipal Police Station, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng search warrant operation dakong 7:15 ng umaga Pebrero 14, 2025 sa Lumban, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos makuhanan ng iligal na droga.
Nakumpiska sa suspek ang lima (5) na pirasong plastic sachet na naglalaman di umano'y shabu na may tinatayang timbang na aabot sa 25 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP170,000.00 at isang itim na pouch.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lumban Municipal Police Station ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”
Ayon sa pahayag ni PCOL Dalmacia “Nais nilang ipaabot sa publiko na patuloy at mas pinaigting pa ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa iligal na droga. Sa pagkaaresto ng drug personalities ay titiyakin namin na mananagot sa batas ang taong ito. Layunin ng Laguna Pulis na tuluyang mailayo ang lahat ng mamamayan sa masamang epekto ng bawal na gamot at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa." (JOJO SABEN̈ANO)
0 Comments