By : Kevin Pamatmat
LAGUNA- Pawang nakakatanggap ng libreng mga serbisyong medikal at dental tulad ng bunot ng ngipin, fluoride treatment, x-ray, non-fasting laboratories, flu vaccine at mga gamot ang mahigit na 3,200 na mga residente mula pa sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ng San Pablo noon nakaraang Sabado ika-15 ng Pebrero sa San Pablo City Central Elementary School, Brgy. 6-A, San Pablo City.
Bunsod ito ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ni Congressman Loreto “Amben” S. Amante kila President Ferdinand R. Marcos Jr., Senator Ramon Revilla Jr, House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at Kay San Pablo City Mayor Vicente “Vic” B. Amante at San Pablo City LGU.
Katuwang din ni Cong. Amante sa medical mission na ito si Konsehal Charles Caratihan ng bayan ng Calauan, Congresswoman Ruth Hernandez na inirepresenta ni Mr. Jachner Iranzo at kanyang maybahay Kapitana Madette Janalino-Amante na nagbigay ng kanyang libreng pandesal at popcorn para sa mga nagtungo sa nabangit na programa .(Kevin Pamatmat)
0 Comments