BABAENG WANTED TIMBOG SA PNP-HPG SA KASONG RA10883 SA PAMUMUNO NI PMAJ DANTE AQUINO By : Rommel Madrigal


BABAENG WANTED TIMBOG SA PNP-HPG SA KASONG RA10883 SA PAMUMUNO NI PMAJ DANTE AQUINO 

By : Rommel Madrigal 

Naaresto ng PNP –HPG kasama ang Santa Rosa City Police ang isang babaeng wanted sa kasong paglabag sa Bagong Anti-Carnapping Act of 2016 ito yong Republic Act 10883

Nabatid na ika labing isa ng umaga kahapon ng nagsagawa ng operasyon laban sa Most Wanted Person ang mga operatiba ng team na pinamunuan ni Pmaj Dante R Aquino kasama ang Invest at Intel section ng Regional Hiway Patrol Unit 4A PSMS Jomard Zomil at Santa Rosa City Police na naging matagumpay ito.

Ang pagkakadakip sa akusado ay kaugnay sa pinaigting na Law Enforcement Operation na nagresulta sa Pag-aresto ng kinilalang si Arjeth Muase Banatao, 27, taong gulang, residente ng Zone 6, Relocation site, Brgy GSIS, San Pedro, City sa Laguna

Inaresto ang nabanggit na akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon Teodoro Nablo Solis, Presiding Judge ng Rigional Trial Court Branch 25, Biñan City,na lumabas nitong Agosto 13, 2024 na may Php300,000.00 na Inirerekomendang Piyansa. 

Kasalukuyang nasa kostodiya ng tanggapan ng HPG ang akusado para sa dokumentasyon at pansamantalang pagkulong habang nakabinbin ang pagbabalik ng Warrant Of Arrest sa nag-isyung hukuman.

Post a Comment

0 Comments