MEDIA ORIENTATION PARA SA LOCAL PEACE ENGAGEMENT AND TRANSFORMATION PROGRAM ISINAGAWA, PAMUNUAN NG SANTA ROSA CITY SUMUPORTA
By : PIA / Rommel Madrigal
Nagsasagawa ng isang media orientation para sa Local Peace Engagement and Transformation Program ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), katuwang ang Presidential Communications Office at ang Philippine Information Agency, bilang isang plataporma upang i-highlight ang mga natamo ng gobyerno at tagumpay sa prosesong pangkapayapaan sa Paseo Premiere Hotel, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.
Dinaluhan ng mahigit 30 local media personalities ang 7th leg ng LPE-TP media orientation na, naglalayong maging kasangkapan at kalahok sa programa ng gobyerno para muling pagsasama-sama ng mga dating rebelde sa mainstream na lipunan, habang isinusulong ang pag-unlad at pinalalakas ang katatagan ng mga cleared na komunidad laban sa mga pagtatangka ng mga komunistang grupo na mabawi ang impluwensya.
Ang mga tagapagsalita mula sa OPAPRU sa pangunguna ni MGEN Rhoderick Parayno (RET) at G. Tristan Bello, ay tumalakay sa mga programa at direktiba sa Localized Peace Engagements, Transformation Program, at Multi-Dimensional Nature ng Local Communist Armed Conflict and Transformation Program.
Sa mensahe ni PIA Deputy Director General Elmer Jude Mesina sa ngalan ni PIA Director General Jose Torres Jr., nananawagan ang Director General sa media na maging katuwang ng gobyerno sa pagkontra sa propaganda at disinformation na naglalayong maghasik ng pagkakabaha-bahagi at poot.
Si Santa Rosa City Mayor Arlene B. Arcillas, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita at Tagapangulo ng Santa Rosa City Peace and Order Council, ay nagpahayag ng kanyang buong suporta sa mga programa ng pambansang pamahalaan para sa kapayapaan at pagkakasundo sa pagsalubong sa paglago at kaunlaran sa mga lokal na komunidad.
0 Comments