NATIONAL UNITY PARTY SA LAGUNA PINALAKAS AT PINALAWAK ANG PWERSA By : Kevin Pamatmat

NATIONAL UNITY PARTY SA LAGUNA PINALAKAS AT PINALAWAK ANG PWERSA 

By : Kevin Pamatmat

Laguna — Higit na pinalawak at pinalakas ang bilang ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa lalawigan ng Laguna, makaraang manumpa ang mga bagong kasapi nito na mula pa sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan. 

Pinangunahan ni Santa. Rosa Lone District Representative Congressman Dan Fernandez at Mayora Gem Gastillo-Amante ng bawat miyembro nito na ginanap sa Barangay San Jose, San Pablo City. 

Ang mga bagong myembro na nanumpa na magiging tapat sa lapian ay ang mga incumbent, mga muling tatakbo at kakandidato bilang mga Congressman, board member, mayor, vice mayor, at magiging miyembro ng Sangunian bayan sa nalalapit na eleksyon. 

Samantalang nagbigay naman ng isang payo ang ama ng lungsod ng San Pablo Mayor Vic Amante sa mga dumalo aniya. “Ang pinakamahalaga sa isang pulitiko ay may panunungkulan na hindi lamang sa panahon ng halalan o eleksyon nalalapitan, bagkus madali din siyang matagpuan sa oras ng pangangailangan ng ating mga mamamayan. 

Ayon naman kay Mayora Gem Gastillo-Amante, “Naniniwala siya na ang isang panunungkulan ay hindi lamang trabaho o profession, ito ay tawag at ipinagkaloob mula sa may likha.” Napasalamat naman si Congressman Fernandez dahil patuloy na dumarami ang kasapi ng National Unity Party sa lalawigan ng Laguna. Gayundin sa pamumuno at pag-gabay ng lider ng kanilang partido, NUP Chairman Ronaldo Puno.

Post a Comment

0 Comments